Kamara suportado ang ugnayan ng Pilipinas at China — House Speaker GMA
Siniguro ni House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo kay Chinese President Xi Jinping na susuportahan ng Kamara ang polisiya ng administrasyong Duterte na sumusuporta sa China.
Sa naging bilateral meeting ng liderato ng Kamara at Senado kasama si President Xi, sinabi ng House Speaker na maramimg dahilan kung bakit dapat panatilihin ang relasyon ng Pilipinas at China.
Sinabi ni GMA na kung makabubuti sa China ang pagiging malapit sa Pilipinas ay mapapakinabangan din ito ng bansa.
Mahalaga aniyang mapalakas pa ang ugnayan ng dalawang bansa dahil sa laki ng Filipino-Chinese community dity sa bansa.
Pabor din para sa bansa ang pagiging dikit sa China dahil mapapakinabangan ng Pilipinas ang bigating track record at kakayahan nito pagdating sa pagdevelop ng mga imprastraktura.
Noon aniyang presidente pa siya ay malapit ang kanyang administrasyon sa China tulad ng ginagawa ngayon ng administrasyong Duterte.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.