Umabot na sa 85,000 na mga batang edad 5 pababa ang namatay dahil sa gutom at sakit sa bansang Yemen.
Ayon sa Save the Children na isang international aid group, ang naturang bilang ay mula noong 2015 kung kailan nagsimula ang civil war sa naturang bansa.
Ayon sa United Nations (UN), mahigit 1.3 milyong mga bata sa Yemen ang nakararanas ng severe acute malnutrition.
March 2015 nang sumiklab ang giyera sa pagitan ng mga rebeldeng Houthi mula sa Yemen at pwersa mula sa Saudi Arabia.
Bukod sa mga namamatay dahil sa gutom, malaki na rin ang bilang ng mga nasasawi dahil sa mga pambobomba bunsod ng giyera.
MOST READ
LATEST STORIES