Mangongopra pinatay ng kapitbahay sa Davao del Sur

Patay ang isang mangongopra matapos itong pagbabarilin ng kanyang kapitbahay sa Barangay Barayong sa Magsaysay, Davao del Sur.

Kinilala ang nasawing biktima na si Emilio Rosal, 59 na taong gulang.

Ayon kay Magsaysay Municipal Police chief, Senior Inspector Cris Ian Taghap, nagtalo si Rosal at ang suspek na si Eduardo de la Conception bago naganap ang pamamaslang.

Agad namang inawat ng isang barangay tanod ang pag-aaway ng dalawa.

Ngunit nang makauwi si Rosal sa kanyang kubo ay sinundan siya ng suspek na mayroong dalang sumpak.

Doon na pinagbabaril ni de la Conception ang biktima na nasawi dahil sa tama ng bala sa kanang dibdib.

Agad na tumakas ang suspek, ngunit kanyang naiwan sa labas ng bahay ng biktima ang ginamit na sumpak.

Nabatid pa ng mga otoridad na noong November 2 ay pinagbubugbog ng dalawang anak ni Rosal si de la Conception.

Read more...