Grab driver nahulihan ng P1.2M shabu sa Pasay City

Arestado ang isang Grab driver matapos itong mahulihan ng iligal na droga sa Pasay City.

Nakilala ang suspek na si Jonathan Roxas na sinasabing dadalaw sana sa Pasay City Jail.

Ayon sa mga otoridad, bibisitahin sana ni Roxas ang kanyang nakakulong na pinsan ngunit bago pa ito tuluyang nakapasok sa piitan ay narekober mula sa suspek ang 40 gramo ng hinihinalang shabu.

Sa paghihinalang tulak ng iligal na droga ang driver ay minabuti ng pulisya na inspeksyunin ang sasakyan ni Roxas.

Doon na nakuha ang tatlong pakete ng marijuana at karagdagang 200 gramo ng shabu.

Sa kabuuan, tinatayang nagkakahalaga ng P1.2 milyon ang drogang nasabat mula sa suspek.

Nakuha rin sa sasakyan ni Roxas ang isang baril, digital weighing scale, at mga drug paraphernalia.

Nabatid na noong 2016 ay nakulong na si Roxas dahil sa kasong may kinalaman pa rin sa iligal na droga.

Read more...