Bagyong Samuel tumama na sa Roxas, Palawan
Nag-landfall na sa Roxas, Palawan ang Tropical Depression Samuel ayon sa 2am severe weather bulletin ng PAGASA.
Kaninang ala-1:00 ng madaling-araw, huling namataan ang bagyo sa may bisinidad ng Roxas, Palawan.
Taglay pa rin ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 45 kilometro kada oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 65 kilometro kada oras.
Kumikilos ito sa direksyong pa-Kanluran sa bilis na 20 kilometro oras.
Nakataas pa rin ang signal no. 1 sa Palawan kasama ang Calamian at Cuyo groups of Islands.
Ibinabala ng PAGASA ang panganib ng pagbaha at pagguho ng lupa sa naturang mga lugar dahil sa katamtaman hanggang malalakas na buhos ng ulan.
Mapanganib pa rin ang paglalayag sa mga lugar na nasa signal no. 1 at sa eastern seabords ng Luzon.
Inaasahang lalabas na ng PAR ang Bagyong Samuel mamayang gabi o bukas ng umaga.
Mamayang alas-5:00 ay maglalabas muli ang PAGASA ng severe weather bulletin.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.