“Ang Probinsyano” nakipag-dayalogo na sa PNP

By Isa Avedaño-Umali November 21, 2018 - 04:21 PM

PNP-PIO file photo

Nagkaharap na ang ilang opisyal ng Department of Interior and Local Government (DILG) at Philippine National Police (PNP) ang ilang executives ng ABS-CBN at ang aktor na si Coco Martin, kaugnay sa kontrobersiya sa teleseryeng “Ang Probinsyano.”

Ang closed-door meeting ng magkabilang panig ay ginawa sa Kampo Krame, sa Quezon City ngayong hapon ng Miyerkules.

Wala naman si PNP Chief Oscar Albayalde sa meeting, dahil kasalukuyang dumadalo ito sa International Criminal Police Organization General Assembly sa UAE.

Nauna nang umalma si Albayalde sa aniya’y masamang imahe ng mga pulis sa sikat na teleserye ng Channel 2.

At kamakailan lamang ay pinababawi na ng PNP ang mga tulong sa produksyon ng Ang Probinsyano.

Si DILG Sec. Eduardo Año naman ay humirit na palitan dapat ang plot ng teleserye na pabor sa mga pulis.

Ayon kay Movie Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairman Rachel Arenas, nagkausap na sila ni Año ukol sa Ang Probinsyano, at may napagkasunduan na sila ukol rito.

Sinabi naman ni Coco Martin na nagpapasalamat siya sa mga taong patuloy na sumusuporta kahit anong mangyari sa Ang Probinsyano.

Sa pakikipagdayalogo, umaasa si Martin na maaayos na ang lahat at wala nang maging problema.

TAGS: ABS-CBN, Ang Probinsyano, Coco Martin, DILG, Oscar Albayalde, PNP, ABS-CBN, Ang Probinsyano, Coco Martin, DILG, Oscar Albayalde, PNP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.