Ahensya na tututok sa pera ng mga terorista binuo ni Duterte
Nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang executive order 68 na bubuo sa National Anti-Money Laundering and Countering the Financing Terrorism Coordinating Committee o NACC.
Sa ilalim ng EO, bubuo ang NACC ng mga polisya at stratehiya patungkol sa money laundering o ang krimen ng pagkukubli ng mga salaping nakuha mula sa ilegal na paraan pati na rin ang pagpopondo sa terrorism groups.
Pamumunuan ang NACC ng executive secretary o authorized representative habang magiging vice-chair naman ang governor ng Bangko Sentral ng Pilipinas o ang chairperson ng Anti-Money Laundering Council o AMLC.
Makakasaama sa NACC ang kalihim ng Foreign Affairs, Finance, Justice, National Defesne, Interior and Local Government, Trade and Industry.
Members rin ang pinuno ng Securities and Exchange Commission, Insurance Commissioner, CEO at chairperson ng Philippine Amusement and Gaming Corporation, Administrator ng Cagayan Economic Zone Authority at Presidente ng Aurora Pacific Economic Zone and Freeport Authority.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.