Bahagi ng pondo na hindi nagamit sa ngayong 2018 inihirit ng Kamara na magamit sa 2019

Aprubado na sa Kamara ang panukala upang magamit pa sa 2019 ang hindi nagalaw na bahagi ng 2018 national budget.

Base sa House Joint Resolution No. 32 na inihain ng mga lider ng Kamara sa pangunguna ni House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo maari pang gamitin ang pondo sa ilalim ng General Appropriations Act 2018 hanggang December 31, 2019.

Nakasaad dito na magagamit pa ang maintenance and other operating expenses at capital outlay.

Iniisantabi nito ang isang taong validity ang pondo sa ilalim ng GAA 2018.

Sinasabi sa House Joint Resolution na maraming pondo sa ilalim ng 2018 budget ang hindi pa nagagamit kaya isinulong na mapalawig ito.

Ang pondo para sa rehabilitasyon ng Marawi City at paggawa sa mga imprastraktura na nasira ng bagyo ay kabilang dito.

Bukod kay Arroyo, kasama rin sa mga author ng panukala sina Majority Leader Rolando Andaya Jr., Minority Leader Danilo Suarez, at House appropriations panel Senior Vice Chairman Maria Carmen Zamora.

Read more...