Guro pinatay ng ka-live in na sundalo sa loob ng paaralan sa Bocaue; suspek nagpakamatay

By Isa Umali November 21, 2018 - 12:45 PM

PHOTO CREDIT: Jenyrose Benitez

Patay ang isang babaeng teacher matapos bariling ng karelasyon niyang sundalo sa loob mismo ng classroom sa Bocaue, Bulacan.

Nangyari ang pamamaril, Miyerkules (Nov. 21) ng umaga sa Tambubong Elementary School sa Bocaue.

Batay sa pahayag ni Sr. Supt. Chito Bersaluna, ang provincial director ng Bulacan Police, habang nagka-klase ang guro ay pumasok ang sundalo sa classroom.

Nagtalo umano ang dalawa hanggang sa mabaril ng sundalo ang teacher.

Nagbaril din sa sarili ang sundalong kinilalang si Ruperto Datuin na ikinamatay din nito. May nakita umano sulat sa crime scene.

Kinilala ni Bersaluna ang nasawing guro na si Melody Sta. Teresa, 33-anyos. Hiwalay umano sa asawa si Sta. Teresa at mayroon itong tatlong anak.

Ayon kay Bersaluna, may isang estudyante na nadamay sa pamamaril pero nasa ligtas nang kalagayan.

Nagluluksa naman ang buong Tambubong Elementary School sa nangyari sa isa sa kanilang teacher, habang ang mga batang nakakita ng krimen ay isasalang sa debriefing dahil sa posibleng trauma o stress na kanilang naranasan.

TAGS: Bulacan, crime of passion, Radyo Inquirer, Bulacan, crime of passion, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.