Faeldon nanumpa na sa pwesto bilang bagong BuCor director

DOJ Photo

Nanumpa na kay Justice Secretary Menardo Guevarra si bagong Bureau of Corrections Director General Nicanor Faeldon Miyerkules ng umaga.

Isinalarawan ni Justice Undersecretary Markk Perete na “cordial” at maayos ang simpleng seremonya kahit nagkaroon ng hindi magandang isyu ang dalawang opisyal noong nakaraang linggo.

Magugunitang umalma si Faeldon na wala pa syang opisyal na appointment nang mapuna ng kalihim ng DOJ ang hindi pa ito pagrereport sa duty isang buwan matapos syang pangalanan ni pangulong duterte na bagong Bucor chief.

Dagdag ni Usec. Perete na matapos makapanumpa ay nagpulong agad sina Guevarra at Faeldon.

Kabilang anya sa napag-usapan ang pagtugon sa problema ng iligal na droga sa New Bilibid Prisons, ang siksikan sa loob ng piitan at ang posibilidad ng paglilipad ng mimimum at medium prison facilities sa ibang lugar.

Read more...