Ipaghaharap ng kaso sa Ombudsman si dating Ilocos Sur Governor Luis Chavit Singson kaugnay sa kontrobersiyal na desisyon ng mga opisyal ng National Telecommunications Commission na nasa likod ng kontrobersiyal na pag-award ng bidding sa ikatlong telco sa grupo ng negosyanteng si Dennis Uy.
Para sa dating gobernador, kuwestiyonable ang ginawang pagpili ng NTC sa grupo ni Uy.
Sa Kapihan sa Manila Bay, sinabi ni Singson na bagaman at pareho silang kuwalipikado ay hindi niya maintindihan bakit bigla na lamang silang na-disqualify sa bidding.
Sinubukan pa ng kampo ni Chavit na sulatan ang NTC tungkol sa nangyari ngunit hindi pinansin ng komisyon.
Nagpabaya rin aniya sa tungkulin ang NTC lalo na at hindi sinuring mabuti ang iprenesenta nilang mga dokumento.
Sabi pa ni Singson, hindi sana lalaki ang isyu kung sa simula pa lamang ay pinag-aralang mabuti ng NTC ang mga hawak na papeles mula sa mga bidder.
Tumangging magsalita ang dating gobernador sa isyu ng pagkakaruon ng hokus pokus sa naturang proseso.
Tiwala si Singson na hindi alam ng Pangulong Duterte ang ginawa ng NTC officials at sa lalong pinaka madaling panahon ay isasampa niya ang kaso laban sa NTC.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.