Panukala para taasan ang buwis sa alak lusot na sa komite sa Kamara

Inaprubahan na ng House Ways and Means Committee ang substitute bill na nagtataas sa excise tax rates ng mga alcoholic drinks sa bansa.

Hangad ng substitute bill na ito na itaas sa P6.60 ang excise tax na ipinapataw sa mga alcoholic drinks, kumpara sa kung ano ang ipinapatupad sa ilalim ng Republic Act 10351 o ang batas para sa excise tax ng mga alcoholic drinks at tobacco.

Inaprubahan din ng komite P650 unitary rate para sa mga sparkling wines.

Samantala, itinaas naman sa P2.10 ang buwis sa mga still at carbonated wines, habang ang may alcohol content na mas mataas sa 14 percent ay may P4.10 na pagtaas.

Ang inaprubahang tax rate naman para sa fermented liquors ay tinaas sa P2.60.

Sinabi ngayon ng chairman ng komite na isusumite na nila sa plenaryo ng Kamara ang committee report patungkol dito para sa gagawing deliberasyon para rito.

Read more...