Dahil sa nilagdaang Memorandum of Agreement on Renminbi Clearing Arrangement at letter of no objection para sa pagbubuo ng Renminbi Philippine Peso foreign exchange trading market, inaasahan na sa madaling panahon maari nang magamit ng malawakan ang pera ng China sa mga transaksyon sa Pilipinas.
Ang mga kasunduan ay nilagdaan kagabi sa Malakanyang nina Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Deputy Governor for Financial Supervision Sector Chuchi Fonacier at Ambassador Zhao Jianhua at nagsilbing witness sina Pangulong Rodrigo Duterte at Chinese Pres. Xi Jinping.
Inaasahang ihahanda na ng dalawang bansa ang paglalatag ng rules and regulations sa naturang mga kasunduan.
Sa kasalukuyan, dolyar ang karaniwang ginagamit sa mga panlabas na transaksyon sa Pilipinas.
Samantala, naselyuhan din kagabi nina Philippines Secretary of Finance Carlos Dominguez and Chairman Chen Siqing of the Bank of China ang Memorandum of Understanding on Panda Bonds Issuance.
Sa ilalim ng MOU, maari na ang Pilipinas na mag-issue ng Renminbi-denominated bonds na sa China ibebenta.