Dr. Jose Rizal simbolo ng fraternal relations ng China at Pilipinas – Pres. Xi
Hindi lamang sa bansa nagsisilbing “founding father” ng modern Philippines ang pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal kundi nagsisilbi rin siyang simbolo ng fraternal relations ng Pilipinas at China.
Sa toast remarks sa state banquet, sinabi ni Chinese President Xi Jinping na libong taon na ang nakararaan nang magkaroon ng magandang relasyon ang dalawang bansa.
Ayon kay Xi, maaring hindi batid ng lahat na ang ancestry ni Rizal ay nasa Jinjiang City sa Fujian Province sa China kung saan mayroong monumento doon ang pambansang bayani at kinikilala ang kaniyang kabayanihan.
Pinuri rin ni Xi si Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa pagsunod nito sa mga prnsipyo ni Rizal na magkaroon ng independent na Pilipinas.
Simula aniya nang maupo sa puwesto si Duterte, nawala na ang mga balakid sa pagkakaroon ng magandang relasyon ng Pilipinas at China.
Matatandaang kahapon nag-alay ng bulaklak si Xi sa monumento ni Rizal sa Maynila.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.