4 na babae arestado sa buy-bust sa Maynila

By Ricky Brozas November 21, 2018 - 09:29 AM

Aabot sa mahigit P2,000 ng iligal na droga ang nasabat sa apat na babaeng suspek sa Tondo , Maynila.

Ayon sa Jose Abad Santos Police, nakumpiska sa mga suspek ang siyam na pakete ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P271, 500 ng hinihinalang shabu, cellphone, P2,400 na cash at P500 na buy-bust money.

Kinilala ng mga otoridad ang apat na suspek na sina Reynalyn Tango, 28-anyos; Dianne Nicole Tango, 22-anyos; Marilyn Tango, 48-anyos; at isang menor de edad na pawang residente ng No. 3192, Interior 21, Pilar Street sa Tondo.

Ikinasa ang drug buy-bust operation sa bahay mismo ng mga suspek at narekober ang mga naturang ebidensya na nagresulta sa pagkakaaresto nito.

Nakatakdang sampahan ang mga suspek ng reklamong paglabag sa section 5 at 11 ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

TAGS: buy bust, manila police, Tondo Manila, War on drugs, buy bust, manila police, Tondo Manila, War on drugs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.