Bagyong Samuel nasa Visayan Sea na at patungo sa Iloilo Province

By Dona Dominguez-Cargullo November 21, 2018 - 08:26 AM

Nasa bahagi na ng Visayan Sea ang tropical depression Samuel at patungo na ito ng Iloilo Province.

Sa 8AM weather bulletin ng PAGASA, huling namataan ang bagyo sa layong 90 kilometers East Southeast ng Roxas City, Capiz.

Taglay pa rin nito ang lakas ng hanging aabot sa 45 kph malapit sa gitna at pagbugso na aabot sa 70 kph.

Nakataas pa rin ang public storm warning signal number 1 sa sumusunod na lugar:

LUZON:
Masbate
Ticao Island
Romblon
southern Oriental Mindoro
southern Occidental Mindoro
Palawan
Cuyo Island
Calamian Group of Islands

VISAYAS:
Biliran
Leyte
northern Cebu
northern Negros Occidental
Guimaras
Iloilo
Capiz
Aklan
Antique

Inalis naman na ang PAGASA ang umiiral na signal number 1 sa Samar provinces.

Ayon sa Pagasa, katamtaman hanggang sa malakas na buhos ng ulan ang naidudulot ng bagyo sa Bicol Region, MIMAROPA, at Quezon.

TAGS: Pagasa, Samuel, weather, Pagasa, Samuel, weather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.