Sen. Grace Poe present sa pagdinig sa disqualification case laban sa kanya

By Ricky Brozas November 10, 2015 - 07:08 PM

comelec bldg
Inquirer file photo

Mahigpit na pinagtalunan sa pagdinig ng disqualification case na inihain ni Atty. Estrella Elamparo laban kay Senador Grace Poe ang interpretasyon ng probisyon sa 1935 Constitution kaugnay sa isyu ng citizenship.

Ang 1935 Constitutional ang pinagbatayan ng kaso ni Poe dahil siya ay isinilang noong 1968.

Ang second division ng Comelec na pinamumunuan ni Commissioner Al Pareno ang humawak ng pagdinig.

Ayon kay Elamparo, dahil hindi kasama ang foundling sa mga idineklara ng batas na ituturing na natural born citizen, hindi maaring igiit ni Poe na siya ay isang natural born citizen.

Sa ganitong pagkakataon ay hindi umano maaring lumayo ang Comelec sa letra o literal na kahulugan ng batas dahil malinaw naman ang nais nitong ipabatid.

Para kay Elamparo, sa aspetong legal ay stateless na maituturing si Poe.

Sa panig naman ng abogado ni Poe na si Atty. George Garcia, bagamat wala ang salitang “foundling” sa Saligang Batas ay hindi nangangahulugan na binabalewala na ng batas ang mga ampon o walang kinalakihang magulang.

Ang mas dapat umanong mangingibabaw ay ang pagtukoy sa intensyon ng mga bumalangkas ng Konstitusyon.

Sa madaling salita ayon kay Garcia ang diwa o spirit of the law ang siyang dapat na manaig at hindi ang letters of the law na literal na interpretasyon ng batas.

Dagdag pa ng abogado ni Poe, ang siyam na tratado na umiiral sa kaso ni Poe ay hindi na kailangan pang dumaan sa local legislation dahil sapat na ang deklarasyon sa ating Saligang Batas na nagsasabing ang mga pandaigdigang customary laws ay itinuturing na bahagi ng ating mga lokal na batas.

Pero kinontra ito ni Elamparo sa pagsasabing, iiral lamang ang tinatawag na “incorporation” ng international law sa ating lokal na batas kung ang pandaigdigang batas ay hindi sumasagka sa ating lokal na mga batas.

Dahil dito, kinakailangan umano na maratipikahan muna ang nasabing mga tratado gaya ng 1961 Convention on the Reduction of Statelessness.

Katunayan, kwestiyonable pa umano kung kikilalanin sa international law ang nasabing convention dahil animnapu’t apat na mga bansa lamang ang lumagda dito.

Wala pang itinatakdang en banc voting ang Comelec para sa nasabing petisyon laban kay Poe.

 

TAGS: comelec, Elamparo, foundling, poe, comelec, Elamparo, foundling, poe

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.