Umabot na kasi sa 32 katao ang tinamaan ng outbreak sa 11 estado ayon sa CDC.
11 sa kanila ang naospital at isa ay tinamaan na ng hemolytic uremic syndrome na banta sa buhay dahil sa maari itong magresulta sa kidney failure.
Wala pa namang napaulat na nasasawi sa outbreak.
Kabilang sa mga nagkasakit ay mula sa California, Connecticut, Illinois, Massachusetts, Maryland, Michigan, New Hampshire, New Jersey, New York, Ohio at Wisconsin.
Ang Public Health Agency sa Canada nakapagtala rin ng 18 katao na nagkasakit dahil sa strain mula sa E. coli sa Ontario at Quebec.
Sa abiso ng CDC, pinayuhan ang publiko na itapon na kung sila ay mayroong romaine lettuce sa kanilang bahay.