Mahigit 7,500 na pasahero stranded sa mga pantalan dahil sa bagyong Samuel

MARINA Photo

Umabot na sa 7,680 na mga pasahero ang naitala ng Philippine Coast Guard na stranded sa iba’t-ibang pantalan sa bansa dahil sa bagyong Samuel.

Kabilang sa mga nakapagtala ng mga pasaherong stranded ay sa mga pantalan sa Palawan; Western, Eastern, Central at Southern Visayas; Bicol; Southern Tagalog; Northern Mindanao at NCR.

Ayon sa monitoring ng Coast Guard sa Manila North Harbor, mayroong 654 na mga pasaherong stranded.

Sa Central Visayas naman, nakapagtala ng pinakamaraming stranded na pasahero sa Pier 3, 4 at 5 ng Cebu Citiy na umabot sa 802.

Sa Bicol, ang Matnog Port ang may pinakamaraming stranded na pasahero na umabot na sa 1,259 habang nasa 584 ang stranded sa Pio Duran.

998 na pasahero naman ang stranded sa Dumaguete Port sa Southern Visayas. At sa Eastern Visayas, mayroong 395 na stranded na pasaher sa Jubusan Port sa Northern Samar.

Maliban sa mga pasahero, mayroon ding 1,126 na rolling cargoes, 177 na barko at 51 na motorbanca na stranded sa mga pantalan.

Read more...