Supreme Court AJ Jardeleza pinakamayamang mahistrado base sa 2017 SALN

Si Supreme Court Associate Justice Francis Jardeleza pa rin ang pinakamayamang mahistrado ng Korte Suprema na may net worth na mahigit P261 million base sa kanyang 2017 Statement of Assests, Liabilities and Net Worth (SALN).

Sunod kay Jardeleza sina Associate Justices Mariano Del Castillo at Alfredo Benjamin S. Caguioa, Senior Associate Justice Antonuo Carpio at Associate Justice Estela Perlad-Bernabe na pasok sa top 4 richest magistrates.

Samantala, nananatiling si Associate Justice Marvic Leonen ang may pinakamababang yaman na halos P3 million.

Mahigit P141 million naman ang net worth ni Del Castillo, mahigit P123 million kay Caguioa, at si Carpio ay mahigit P105 million.

Pang limang pinakamayaman si Perlas-Bernabe na may mahigit P81 million. Sunod si Peralta na may mahigit P48 million habang si Bersamin ay may mahigit P44 million.

Pang-walo si retireed Supreme Court Justice at ngayo’y Ombudsman Samuel Martires na may net worth na mahigit P41 million.

Habang ang net worth ng pinatalsik na Chief Justice na si Maria Lourdes Sereno ay mahigit P27 million. Sinundan ito ni retired Associate Justce Presbitero Velasco Jr., na mahigit P22 million ang yaman.

Tumaas naman sa mahigit P19 million ang net worth ng kakaretirong Chief Justice na si Teresita Leonardo De Castro.

Habang si Associate Justice Noel Tijam ay mahigit P19 million, mahigit P8 million kay Associate Justice Alexander Gesmundo at mahigit P5 million kay Associate Justice Andres Reyes.

Read more...