Third telco, bubusisiin ng Senado

By Rhommel Balasbas November 21, 2018 - 02:00 AM

Kuha ni Jong Manlapaz

Nais ng Senado na busisiin ang pagkakapili sa bagong third telco kahit kinumpirma na ng gobyerno na opisyal ito ay opisyal na.

Sa isang pahayag, sinabi ni Senator Grace Poe na ipagpapatuloy ng kanyang Senate Committee on Public Services ang pagsasagawa ng inquiry sa pagkakapili sa bagong telco player.

Ang napili ng gobyernong third telco player ay ang Mindanao Islamic Telephone Company (Mislatel) consortium.

Hinimok ni Poe ang National Telecommunications Commission (NTC) at Department of Information and Communications Technology (DICT) na ipabatid kung ano ang maibibigay ng Mislatel sa publiko.

Nais din ng senadora na mabigyang linaw ang isyu tungkol sa national security lalo’t may bahagi ang isang foreign entity sa bagong major player.

Dahil dito ay pagpapaliwanagin ang national security officials at telco technology specialists para sa naturang isyu.

Bukod dito ay kailangan din anya munang magkaroon ng congressional franchise ang kumpanya bago ito makapag-operate sa bansa.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.