Nakatakdang makapulong ni Chinese President Xi Jinping ang mga lider ng Kongreso ngayong umaga.
Mamayang alas-11 naka-iskedyul ang pulong ni Xi kina Senate President Vicente Sotto III at House Speaker Gloria Macapagal Arroyo sa Shangri-La Hotel sa Taguig.
Ang pulong ay inaasahang magpapalakas sa ugnayan sa sangay ng lehislatura ng China at Pilipinas.
Ayon kay Sotto, nais niyang mapag-usap nila ni Xi ang inter-parliamentary relationships ng Pilipinas at China.
“I will take up inter-parliamentary relationships with China. We’ll take it from there,” ani Sotto.
Nakatakdang samahan si Sotto nina Senate President Pro Tempore Ralph Recto, Majority Leader Juan Miguel Zubiro, Senator Panfilo Lacson at Senator Gringo Honasan.
MOST READ
LATEST STORIES