M3.9 na lindol naitala sa Davao Occidental

Matapos ang isang magnitude 4.0 na lindol kaninang ala-1:38, isa na namang pagyanig na may lakas magnitude 3.9 ang naitala sa Davao Occidental alas-3:19 ng madaling araw.

Ayon sa Phivolcs, ang episentro ng lindol ay sa layong 359 kilometro Timog-Silangan ng Sarangani.

May lalim itong 113 kilometro.

Tectonic ang dahilan ng pagyanig at hindi naman nagdulot ng aftershocks.

Wala ring inaasahang pinsala sa mga ari-arian dulot ng lindol.

Read more...