Magkahiwalay na pagyanig naganap sa Surigao del Norte at Davao Occidental

By Rhommel Balasbas November 21, 2018 - 03:29 AM

Naitala ang magkahiwalay na pagyanig sa Surigao del Norte at Davao Occicental madaling araw ng Miyerkules.

Ayon sa Phivolcs, alas-12:59 ay naganap ang isang magnitude 4.1 na lindol sa bahagi ng Surigao del Norte.

Ang episentro ng pagyanig ay sa layong 11 kilometro Hilagang-Silangan ng bayan ng General Luna.

May lalim itong limang kilometro.

Ala-1:38 naman nang tumama ang isang magnitude 4.0 na pagyanig sa karagatang bahagi ng Davao Occidental.

Ang episentro ng lindol ay sa layong 213 kilometro Timog-Silangan ng Sarangani.

May lalim naman itong 29 kilometro.

Tectonic ang dahilan ng mga pagyanig at hindi naman inaasahan ang aftershocks.

Wala ring naidulot ng pinsala sa mga ari-arian ang naturang mga lindol.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.