Bagyong Samuel tatama na sa timog na bahagi ng Southern Samar
Nagbabadya na ang Bagyong Samuel sa timog na bahagi ng Eastern Samar.
Sa 11pm weather bulletin ng PAGASA, inaasahang tatama ang bagyo sa naturang lugar sa pagitan ng alas-12:00 at alas-2:00 mamayang madaling-araw.
Huling namataan ang bagyo sa layong 90 kilometro Silangan Hilagang Silangan ng Guiuan, Eastern Samar.
Taglay pa rin nito ang lakas ng hanging aabot sa 55 kilometro kada oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 65 kilometro kada oras.
Kumikilos ang bagyo sa direksyong Hilagang-Kanluran sa bilis na 15 kilometro kada oras.
Nakataas ang signal no. 1 sa
LUZON
– Masbate including Ticao Island
– Romblon
– southern Oriental Mindoro
– southern Occidental Mindoro
– Palawan kasama ang Cuyo Island at Calamian Group of Islands
VISAYAS
– Northern Samar
– Eastern Samar
– Samar
– Biliran
– Leyte
– Southern Leyte
– Bohol
– Cebu
– Siquijor
– Negros Oriental
– Negros Occidental
– Guimaras
– Iloilo
– Capiz
– Aklan
– Antique
MINDANAO
– Dinagat Islands
– Surigao del Norte
– Surigao del Sur
– Agusan del Norte
– Agusan del Sur
– Misamis Oriental
– Camiguin
Nagbabala ang PAGASA sa katamtaman hanggang malalakas na pag-ulan na mararanasan sa Visayas, Bicol Region, MIMAROPA, Zamboanga Peninsula, Quezon at Rizal sa loob ng 24 oras.
Posible ang pagbaha at pagguho ng lupa sa naturang mga lugar at inaabisuhan ang mga residente na patuloy na magmonitor sa lagay ng bagyo.
Posibleng makalabas na ng Philippine Area of Responsibility ang bagyo mula alas-8:00 hanggang alas-10:00 ng umaga ng Huwebes.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.