Ilang mga kasunduan pagtitibayin ngayong araw nina Duterte at Xi Jinping
Pinangunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagsalubong kay Chinese President Xi Jinping at mga delagado kaugnay sa kanyang state visit sa bansa.
Bago nagpunta sa Malacañang ay pinangunahan ni Xi ang wreath laying ceremony sa bantayog ni Jose Rizala sa Luneta kung saan ay nakasama niya si Manila Mayor Joseph Estrada.
Sa Malacañang ay binigyan ng 21-gun salute ang pinuno ng China kung saan ay kaagad na sinundan ng bilateral meeting ang welcome ceremony.
Ang pangulo sinamahan naman sa pagsalubong kay Xi ni Davao City Mayor Sara Duterte ng mga miyembro ng kanyang gabinete.
Makalipas ang bilateral meeting ay magbibigay ng joint media statement ang dalawang lider.
Dito ay idedetalye nila ang ilan sa mga kasunduang nilagdaan sa pagitan ng Pilipinas at China.
Susundan ang nasabing event ng state banquet sa loob ng Dining Hall ng Malacañang.
Bukas ng nakatakda namang mag-courtesy call kay Xi sina Senate President Tito Sotto at House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo.
Pasado ala-una ng hapon bukas ay aalis sa bansa si Chinese President Xi.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.