Ngayon ay isa na namang mapangahas na pelikula ang ididirek nya, ang Jino to Mari (Gino and Marie) na nakatakdang ipalabas sa 2019 at itatampok naman sa isang international film festival sa January.
Ang Jino to Mari (Gino and Marie) ay kwento ng dalawang sex workers na nakalaang gumawa ng isang produced foreign porno. Sa una ay maayos ang naging trato sa mga bida na sina Gino at Marie bilang sex workers ngunit nang tumagal ay pinilit silang gawin ang mga bagay na hindi nila gustong gawin.
Katulong ng direktor si John Bedia sa screenplay.
Maraming kaabang-abang na eksena ang dapat panoorin sa upcoming film ni direk Jay.
“Dapat abangan ito dahil sa matapang at magaling na pagganap nina Oliver Aquino at Angela Cortez. Dapat abangan ito dahil ito ay produced ni Brillante Mendoza.”
Pinagbibidahan nina Oliver Aquino bilang Gino at Angela Cortez bilang Marie. Si Oliver ay naging artista na rin sa mga past films ng mapangahas na direktor. Lumabas na rin sya iba’t ibang shows sa Kapamilya network. Huling napanood si Oliver sa Tale of the Lost Boys na entry sa Sinag Maynila na humakot ng parangal abroad. Ngayon ay isa na namang mapangahas na role ang gagampanan nya kasama si Angela.
Mapapansin rin sa mga past films ng direktor ang pagpapakita ng ilang sensitibong eksena.
“Good thing, our actors are professional. They had the full grasp of the story and their characters. They knew what was expected of them. And they did the scenes excellently.”
Bukod sa pagpapakita ng sensitibong eksena, sanay si direk Jay sa pagkukwento ng mga challenging stories. Sa bago nyang pelikula, ano ba ang pinaka challenging?
Sagot nya, “The entire film was a challenge to make. We had to shoot during All Saints Day. We had to deal with the crowd. Not only in Quiapo, but while travelling and at the cemeteries.
“We had to shoot the travel scenes as ordinary passengers, since we didn’t have the resources to rent an entire bus.
“Since the film is about two sex workers hired to do a porno film, there were a lot of sensitive scenes. And there are scenes that involved other actors not just Oliver and Angela. WE had to be very careful and take care of them.”
Produced by Solar Entertainment, Center Stage Productions at sa pakikipagtulungan ng BeyondtheBox Productions, ang Jino to Marie (Gino and Marie) ay mapapanood sa 2019, directed by Joselito Altarejos, starring Oliver Aquino at Angela Cortez.