Prangkisa ng bagong Iloilo power provider above-board ayon sa Senado

Inquirer file photo

Tiniyak ni Senate Committee on Public Services Chairman Senator Grace Poe sa mga taga Iloilo na magiging maayos at huhusay ang serbisyo ng kuryente sa kanilang lugar kahit pa bagong electric company na ang mabigyan ng prangkisa para mag-operate sa lalawigan.

Ayon kay Poe matapos ang isinagawang pubic hearing  at  technical working group deliberations, ang  Monte Oro Resources and Energy o MORE ang kanilang irerekomenda na pagkalooban ng franchise to operate.

Ito ay dahil sa ang prangkisa ng MORE ang  inaprubahan sakamara kaya’t ito lang ang maaaring aksyunan ng Senado

Sa January 19 mag-eexpire ang franchise ng Panay Electric Company (PECO) ang matagal ng panahon na nagseserbisyo sa Iloilo pero hindi nirenew ng Kamara ang kanilang prangkisa dahil sa ilang isyu palpak na serbisyo.

Ayon kay Senator Poe, kanilang sinuri ng husto ang kakayanan ng MORE bilang bagong electric company at lumitaw naman na meron silang kapital at may kakayanan kumuha ng distributor na may karanasan sa power distribution

Pinagkinggan rin ng Kongreso ang lahat ng usapin at maging amg rekomendasyon ng Iloilo chamber of commerce and industry bago  nagpasya na i-endorso ang pagkakaloob ng congressional franchise sa MORE.

Giit ng senadora, ang pangunahing concern nya at ng mga taga Iloilo ay masiguro na hindi sila mawawalan ng supply ny kuryente kapag magtakeover ang MORE.

Kaugnay nito, kinunsulta ni Poe ang Energy Regulatory Commission, Department of Energy at ang iba pang kinauukulang  ahensiya ng gobyerno para masiguro ang mahusay na transition sa power cooperative.

Read more...