Prangkisa ng bagong Iloilo power provider above-board ayon sa Senado
Tiniyak ni Senate Committee on Public Services Chairman Senator Grace Poe sa mga taga Iloilo na magiging maayos at huhusay ang serbisyo ng kuryente sa kanilang lugar kahit pa bagong electric company na ang mabigyan ng prangkisa para mag-operate sa lalawigan.
Ayon kay Poe matapos ang isinagawang pubic hearing at technical working group deliberations, ang Monte Oro Resources and Energy o MORE ang kanilang irerekomenda na pagkalooban ng franchise to operate.
Ito ay dahil sa ang prangkisa ng MORE ang inaprubahan sakamara kaya’t ito lang ang maaaring aksyunan ng Senado
Sa January 19 mag-eexpire ang franchise ng Panay Electric Company (PECO) ang matagal ng panahon na nagseserbisyo sa Iloilo pero hindi nirenew ng Kamara ang kanilang prangkisa dahil sa ilang isyu palpak na serbisyo.
Ayon kay Senator Poe, kanilang sinuri ng husto ang kakayanan ng MORE bilang bagong electric company at lumitaw naman na meron silang kapital at may kakayanan kumuha ng distributor na may karanasan sa power distribution
Pinagkinggan rin ng Kongreso ang lahat ng usapin at maging amg rekomendasyon ng Iloilo chamber of commerce and industry bago nagpasya na i-endorso ang pagkakaloob ng congressional franchise sa MORE.
Giit ng senadora, ang pangunahing concern nya at ng mga taga Iloilo ay masiguro na hindi sila mawawalan ng supply ny kuryente kapag magtakeover ang MORE.
Kaugnay nito, kinunsulta ni Poe ang Energy Regulatory Commission, Department of Energy at ang iba pang kinauukulang ahensiya ng gobyerno para masiguro ang mahusay na transition sa power cooperative.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.