Mga ralyista hindi nagpaawat sa pagkondena sa pagbisita ni Xi Jinping

By Den Macaranas November 20, 2018 - 04:02 PM

Rem Zamora/Inquirer photo

Kinalampag ng ilang mga miyembro ng militanteng grupo ang Chinese Consulate sa Makati City.

Kaugnay pa rin ito sa state visit sa bansa ni Chinese President Xi Jinping.

Ilan sa mga isyung dala ng mga ralyista ay ang mga kasunduan na dapat umanong isapubliko sa pagitan ng pamahalaan ng Pilipinas at China.

Umapela rin ang mga militanteng grupo sa pamahalaan na manindigan at huwag ibigay sa China ang West Philippine Sea.

Samantala, tulad ng inaasahan ay nagpatupad naman ng maximum tolerance ang mga tauhan ng Philippine National Police.

Mahigpit rin ang seguridad sa Luneta kaugnay sa gagawing wreath laying ceremony na dadaluhan ni Xi sa bantayog ni Jose Rizal.

Susundan ito ng pagpunta ni Xi sa Malacañang para sa nakatakdang bilateral meeting kasama si Pangulong Rodrigo Duterte at state dinner.

Nauna nang sinabi ng National Capital Region Police Officer na aabot sa 5,000 mga pulis ang kanilang itinalaga para sa state visit ni Xi maliban pa sa mga tauhan ng Presidential Security Group (PSG).

TAGS: China, Chinese Consulate, duterte, Makati, state visit, West Philippine Sea, Xi Jinping, China, Chinese Consulate, duterte, Makati, state visit, West Philippine Sea, Xi Jinping

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.