Lumagda sa isang joint letter of intent ang Department of Information and Communications Technology (DICT) at China Telecommunications Corp. Ltd.
Laman ng kasunduan ang plano sa pagtatayo ng isang submarine cable landing station na mag-uugnay sa Pilipinas at Hong Kong.
Ang nasabing lagdaan ay pinangunahan ninba DICT acting Sec. Eliseo Rio at China Telecom CEO Yang Jie.
Inaayos na rin ang plano sa feasibility study kaugnay sa ilalatag na underwater cable system.
Sinabi ni Rio na magandang development ang bagong kasunduan na mas lalong magpapabilis sa daloy ng internet connection sa bansa.
Ang itatayong landing station ay hiwalay sa kasalukuyang linya na ginagamit ng PLDT/Smart at Globe ayon pa sa kalihim.
Sa hiwalay na pahayag, sinabi ni Adel Tamano, tagapagsalita ng bagong player sa telecom industry na Mislatel na sa pamamagitan ng proyekto ng China Telecom na kanilang partner ay tiyak na bababa ang halaga ng internet connectivity sa Pilipinas.
Kanyang panig sinabi naman ng pinuno ng China Telecom na sa pamamagitan ng subamarine cable landing station ay mas magiging maaayos ang pagiging magkaibigang bansa ng Pilipinas at China.