Appointment paper ni Faeldon sa Bucor pirmado na ni Duterte

By Ricky Brozas November 20, 2018 - 02:42 PM

Kinumpirma ngayon ni Justice Sec. Menardo Guevarra na pirmado na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang appointment ni Nicanor Faeldon bilang bagong director general ng Bureau of Corrections.

Nakatakda na lang anyang ilabas ng Office of the Executive Secretary ang appointment ni Faeldon.

Ang anunsyo ni Guevarra ay kasabay ng pagdiriwang ngayon ng Bucor ng ika-113 anibersaryo ng kawanihan.

Magugunitang noong nakalipas na buwan ng Oktubre nang ianunsyo ng pangulo ang pagpili nya kay faeldon na kapalit ni General Ronald dela Rosa na naghain ng kanyang kandidatura sa pagkasenador.

Ilang mula nang sabihin ng pangulo ang kanyang pagtatalaga kay Faeldon sa Bucor ay hindi pa ito nagpapakita sa kanyang bagong tanggapan.

Ikinatwiran ng opisyal na sadyang hindi siya nagpunta sa Bucor dahil hindi pa inilalabas ng Malacañang ang kanyang appointment paper.

TAGS: bucor, DOJ, duterte, Faeldon, guevarra, bucor, DOJ, duterte, Faeldon, guevarra

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.