WATCH: 1,100 elementary students mula Maynila kasamang magwe-welcome kay Pres. Xi Jinping
Aabot sa 1,100 elementary students mula sa Maynila ang sasalubong kay Chinese President Xi Jinping sa Malakanyang.
700 sa kanila ay sa Aurora A. Quezon Elementary School sa Malate, Maynila, 200 mula sa Epifanio Delos Santos Elementary School sa Paco, Manila at 200 mula sa Bagong Barangay Elementary School sa Maynila.
Mula grade 3 hanggang grade 6 ang mga batang magwe-welcome kay Xi.
Tinuruan ang mga estudyante na magsalita ng Chinese gaya ng “Welcome to the Philippines” at “Mabuhay.”
Ayon kay Laika Anne Alberto, grade 6 ng Aurara A. Quezon Elementary School, magaling at mahigpit na lider si Xi.
Para naman sa 12-anyos na si Jorgie Ann Lao-ay, sinabi nito na pag aari ng Pilipinas ang West Philippine Sea na pilit na inaangkin ng China.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.