Pag-okupa ng China sa South China Sea isang realidad ayon sa Malakanyang

Aminado ang Malakanyang na nasa kamay na ng China ang South China Sea.

Pero ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, hindi naman ito nangangahulugan ng ownership o pag-aari na ng China ang South China Sea.

Una nang sinabi ng pangulo sa ASEAN Summit sa Singapore na inukupahan na ng China ang South China Sea kung kaya mas iwasan na muna dapat ang magkaroon ng military drill dahil sa posibilidad na mauwi lamang sa giyera.

Ayon kay Panelo, iniiwasan lamang ng pangulo na magkaroon ng gulo sa lugar lalo’t patuloy na ginagalit ng Amerika ang China.

Kapag kasi aniya nagkagiyera ang China at Amerika, ang Pilipinas ang unang maapektuhan sa away.

Read more...