Heavy rainfall warning itinaas ng PAGASA sa 3 lalawigan sa Visayas

Dahil sa nararanasang malakas at tuluy-tuloy na buhos ng ulan dulot ng bagyong Samuel itinaas na ng PAGASA ang heavy rainfall warning sa tatlong lalawigan sa Mindanao.

Sa inilabas na rainfall warning ng PAGASA alas 11:48 ng umaga, red warning level ang umiiral sa Eastern Samar, Samar at Biliran.

Ayon sa PAGASA, seryosong pagbaha ang maaring maranasan sa mga mababang lugar at maari ding magdulot na ng landslides ang nararanasang patuloy na pag-ulan.

Muling maglalabas ng rainfall advisory ang PAGASA mamayang alas 3:00 ng hapon.

Read more...