Bagyong Samuel napanatili ang lakas, nagpapaulan sa Bicol Region, Visayas at Mindanao

By Dona Dominguez-Cargullo November 20, 2018 - 11:44 AM

Napanatili ng bagyong Samuel ang lakas nito habang patuloy na nagbabanta sa Samar-Leyte-Dinagat area.

Sa 11AM weather bulletin ng PAGASA, huling namataan ang bagyo sa 335 kilometers East ng Maasin City, Southern Leyte.

Taglay pa rin nito ang lakas ng hanging aabot sa 55 kilometers bawat oras at pagbugsong aabot sa 65 kilometers bawat oras.

Kumikilos ang bagyo sa bilis na 20 kilometers bawat oras sa direksyong west northwest.

Nakataas pa rin ang public storm warning signal number 1 sa mga sumusunod na lugar:

LUZON:
Masbate including Ticao Island
Romblon
southern Oriental Mindoro
southern Occidental Mindoro
Northern Palawan including Cuyo Island Calamian Group of Islands

VISAYAS:
Northern Samar
Eastern Samar
Samar
Biliran
Leyte
Southern Leyte
Bohol
Cebu
Siquijor
Negros Oriental
Negros Occidental
Guimaras
Iloilo
Capiz
Aklan
Antique

MINDANAO:
Dinagat Islands
Surigao del Norte
Surigao del Sur
Agusan del Norte
Agusan del Sur
Misamis Oriental
Camiguin

Ayon sa PAGASA, ang mga residente na nasa ilalim ng signal number 1 ay makararanas na ng malakas na pag-ulan dulot ng bagyo na maaring magresulta pagbaha at landslides.

Mamayang gabi ay tatama ang bagyo sa kalupaan ng Samar-Leyte-Dinagat area.

 

TAGS: Pagasa, Samuel, weather, Pagasa, Samuel, weather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.