Pulis, 3 iba pa, patay sa pamamaril sa isang ospital sa Chicago

By Dona Dominguez-Cargullo November 20, 2018 - 10:37 AM

Apat na katao ang nasawi sa insidente ng pamamaril na naganap malapit sa isang ospital sa Chicago, USA.

Kabilang sa nasawi ang isang police officer at isang duktor.

Ayon sa Chicago Police Departmen, nangyari ang pamamaril sa Mercy Hospital sa South Side, Chicago.

Sinabi ni Chicago Police Superintendent Eddie Johnson, nagsimulang mamaril ang suspek sa parking lot ng ospital outside.

Domestic dispute ang pinaniniwalaang dahilan ng pamamaril.

Kabilang sa nasawi si Dr. Tamara O’Neal na duktor sa emergency room ng ospital. Sa inisyal na ulat, fiance’ umano ni O’Neal ang suspek at nagkaroon sila ng pagtatalo.

Pagkatapos barilin ang duktor, patuloy na namarin ang suspek habang siya ay hinahabol ng mga pulis.

Isang babaeng staff ng ospital ang kaniya ring nabaril at tinamaan din ng bala ang police officer na si Samuel Jimenez na kapwa nasawi.

Nasawi din sa tama ng bala ng baril ang suspek.

Ang naturang insidente ay nagresulta sa paglilikas sa mga empleyado at pasyente ng ospital.

TAGS: Chicago, Shooting Incident, Chicago, Shooting Incident

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.