Comelec binuksan na ang bidding para sa mag-iimprenta ng primer sa BOL

Binuksan na ng Commission on Elections (Comelec) ang proseso ng bidding para sa pagpapaimprenta ng halos isang milyong primer tungkol sa Bangsamoro Organic Law (BOL).

Sa invitation to bid, nabatid na aabot sa kabuuang 997,240 na piraso ng mga BOL primer ang kailangang maimprenta.

Ang pondo para sa kada piraso ng primer ay P36 para sa kabuuang approved budget na P35.9 million.

Ang mga primer ay idedeliver sa lahat ng mga tanggapan ng Election Officer ng mga lokal na pamahalaan na isinusulong na sakupin ng Bangsamoro Autonomous Region na papalit sa kasalukuyang Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).

Ang mga interesadong bidder ay mayroong hanggang December 10, 2018 para magsumite ng bidding document na kanilang babayaran sa halagang P25,000.

Bubuksan ang lahat ng mga bid sa kaparehong araw ganap na alas-10 ng umaga sa FEMII Building sa Intramuros, Maynila.

Read more...