US Embassy nag-abiso sa kanilang mga mamamayan sa mahigpit na seguridad at road closures sa Maynila ngayong araw
Inabisuhan ng US Embassy sa Pilipinas ang kanilang mga mamamayan hinggil sa ipinatutupad na road closures ngayong araw sa ilang bahagi ng Maynila.
Sa mensahe ng embahada, binanggit nito na may ipinatutupad na closures at detours ang Manila District Traffic Enforcement Unit at Philippine National Police na tatagal hanggang bukas, Nov. 21.
Ito ay dahil sa pagbisita sa bansa ni Chinese President Xi Jinping.
Inabisuhan ang mga mamamayan ng America na imonitor ang sitwasyon at plauhin ang kanilang mga lakad ngayong araw at bukas lalo na kung pupunta sila sa Maynila.
Binanggit din ng embahada na magiging strikto ang seguridad sa palibod ng U.S. Embassy sa Roxas Boulevard at maaring maapektuhan ang kanilang serbisyo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.