Pagiging valid ng prangkisa ng Mislatel sinuportahan ng Kamara

By Dona Dominguez-Cargullo November 20, 2018 - 09:27 AM

Kuha ni Jong Manlapaz

Kinumpirma ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang pagiging valid ng prangkisa ng napiling 3rd telco na Mislatel.

Ayon kay House of Representatives (HoR) Committee on Legislative Franchises Chairperson Franz “Chicoy” E. Alvarez, nagpadala na sila ng liham sa National Telecommunications Commission (NTC).

Ito ay makaraang hilingin ng Mislatel na maglabas ng liham ang Kamara na maglalahad ng pagiging valid ng Republic Act No. 8627 o “An Act Granting the Mindanao Islamic Telephone Company, Inc. (MISLATEL), a Franchise to Construct, Establish, Install, Maintain and Operate Wire and/or Wireless Telecommunications Systems in the Philippines.”

Ayon kay, Alvarez, sa ngayon, walang natatanggap na anumang impormasyon o desisyon mula sa anumang korte sa bansa ang kaniyang komite nagkakansela sa prangkisa ng Mislatel.

Ibig sabihin, nananatiling valid at nage-exist ang prankisa ng kumpanya.

Sa naging committee report noong October 23, 1997, inaprubahan ng Mababang Kapulungan ang aplikasyon para sa prangkisa ng Mislatel sa pamamagitan ng House Bill No. 10073 at tuluyang naisabatas bilang R.A. 8627.

Ani Alvarez, nabigo lamang ang Mislatel na magsumite sa loob ng 60 araw kada katapusan ng taon ng annual report na bahagi ng requirements ng Kamara.

Pero ayon kay Alvarez ang hindi pagsunod sa nasabing reportorial requirement ay hindi naman makaaapekto sa pagiging valid ng prangkisa.

TAGS: franchise, mislatel, NTC, third telco, franchise, mislatel, NTC, third telco

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.