Paliwanag ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, ito ay dahil sa wala pa namang kasunduan na nilalagdaan ang dalawang bansa.
Ayon kay Panelo, welcome sa Palasyo ang inihaing Senate Resolution 943 na naglalayong magsagawa ng inquiry in aid of legislation para sa oil and gas exploration.
“The Senate is free to conduct an inquiry in aid of legislation on a potential deal on oil and gas exploration with China. Any demand for a release of documents pertaining thereto at this time, however, is premature and could be prejudicial to our country’s interests given that parties have yet to ink any agreement on the matter.,” ani Panelo.
Pero sa ngayon, sinabi ni Panelo na mas makabubuying hayaan na muna ng Senado ang palasyo na gawin ang tungkulin nito.
Tiniyak pa ni Panelo na anumang kasunduan na papasukin ng Pilipinas sa alinmang dayuhang bansa kapag kinuwestyun sa korte ay makatatayo ito sa judicial scruitniy at tiyak na naayon sa konstitusyon.
“We assure that any agreement that we will enter into with a foreign government or entity would stand the judicial scrutiny of both countries and its constitutionality, if challenged, would be upheld,” dagdag pa ni Panelo.