Aabot sa mahigit 3,000 mga pasahero ang stranded sa mga pantalan sa bansa.
Sa 4AM advisory ng Philippine Coast Guard (PCG), 3,153 na mga pasahero ang stranded sa mga pantalan sa Bicol Region, Visayas at sa Mindanao.
Sa Bicol Region, 381 n amga pasahero ang stranded sa mga pantalan sa Sorsogon at Albay.
Nasa 691 na mga pasahero naman ang stranded sa mga pantalan sa Northern Mindanao.
Habang mayroong stranded na 181 na pasahero sa Southern Visayas.
Pinakamaraming stranded sa mga pantalan sa Cebu na aabot sa 1,201 na mga pasahero,
Mayroon ding 271 na stranded sa mga pantalan sa Bohol.
Habang sa mga pantalan sa Eastern at WEstern Visayas ay 428 ang bilang ng mga pasaherong stranded.
Mayroon namang 469 na stranded na rolling cargoes sa iba’t ibang mga pantalan sa bansa, 129 na barko at 31 motorbanca.