Philippine internet pioneer na si Jim Ayson, pumanaw sa edad na 53

By Den Macaranas November 10, 2015 - 03:33 PM

ayson
Jim Ayson’s FB page

Pumanaw na sa edad na 53-anyos ang isa sa mga itinuturing na pioneer sa Philippine internet na si James Romulo “Jim” Ayson.

Ang Ayson rin ang nasa likod ng longest-running musical blog na Philmusic.com.

Aktibo rin si Ayson sa blogging kung saan ay isa sa tinatangkilik ng mga netizens ang kanyang blog na “The Ayson Chronicle” na tumatalakay sa mga bagong balita tungkol sa mga gadgets, technology at maging sa mga social issues.

Isa rin si Ayson sa mga nagtaguyod ng taunang “Geeks on the Beach” na isang event kung saan ay nagsasama-sama ang ilang mga angel investors sa paghahanap ng mga idea na isinasalin sa teknolohiya tulad ng mga mobile applications.

Bago ang pagpanaw, naninilbihan si Ayson bilang pinuno ng Internet and Media Partnership Division ng Smart Communications.

Kaninang umaga sa kanyang Facebook account, sinabi ng may-bahay ni Ayson na si Chette na pumanaw kagabi ang kanyang asawa makaraang atakihin ng sakit sa puso.

TAGS: Ayson, Philmusic, Smart, Ayson, Philmusic, Smart

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.