Seguridad sa pagbisita ni Pres. Xi kasado na; NCRPO nasa-full alert status
Handa na ang National Capital Region Police Office para ipatutupad na seguridad sa pagdating sa bansa ni Chinese President Xi Jinping ngayong araw.
Kahapon ay nagsagawa na ng occular inspection si NCRPO chief, P/Dir. Guillermo Eleazar sa mga lugar na bahagi ng aktibidad ni Xi.
Kabilang sa ininspeksyon ang Shangri-La Hotel sa Bonifacio Global City kung saan mananatili si Presi. Xi.
Nagsagawa din ng inspeksyon sa Rizal Park dahil pagdating ni Xi sa NAIA Terminal 1 ngayong araw ay didiretso ito ng Rizal Park para sa wreath laying ceremony.
Nakataas sa full alert status ang buong NCRPO ngayong araw kaugnay sa pagdating Chinese President.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.