Bagyong Samuel, napanatili ang lakas habang papalapit sa Dinagat-Samar-Leyte area

Napanatili ng Bagyong Samuel ang lakas nito habang nagpapatuloy sa paglapit sa mga lalawigan ng Samar, Leyte, at Dinagat Islands.

Sa 5am severe weather bulletin ng PAGASA, huling namataan ang bagyo sa layong 395 kilometers, Silangan ng Surigao City sa Surigao Del Sur.

Taglay ng nabanggit na sama ng panahon na nasa tropical depression category ang hanging 55 kilometers per hour malapit sa gitna, at pagbugsong aabot naman sa 65 kilometers per hour.

Kumikilos ito sa bilis na 20 kilometers per hour

Ayon sa weather bureau, mayroong posibilidad na tumama sa kalupaan ng Dinagat-Samar-Leyte ang bagyo ngayong gabi.

Sa ngayon, nakataas ang signal number 1 sa mga sumusunod na lugar:

Luzon:
– Masbate kabilang ang Ticao island
– Romblon
– Southern Oriental Mindoro
– Southern Occidental Mindoro
– Northern Palawan kabilang ang Cuyo Island at Calamian Group of Islands

Visayas:
– Northern Samar
– Eastern Samar
– Samar
– Biliran
– Leyte
– Southern Leyte
– Bohol
– Cebu
– Siquijor
– Negros Oriental
– Negros Occidental
– Guimaras
– Iloilo
– Capiz
– Aklan
– Antique

Mindanao:
– Agusan Del Norte
– Agusan Del Sur
– Camiguin
– Dinagat Islands
– Misamis Oriental
– Surigao Del Norte
– Surigao Del Sur

Babala ng PAGASA, mapanganib ang maglayag para sa mga mangingisda at maliliit na sasakyang pandagat sa mga lugar kung saan nakataas ng Signal Number 1 at sa eastern seabord ng Southern Luzon.

Dala ng Bagyong Samuel ang katamtaman hanggang sa malakas na ulan na posibleng magdulot ng pagbaha at landslide sa mga rehiyon ng CARAGA, Northern Mindanao, Eastern Visayas, Central Visayas at Bicol Region.

Read more...