Security guard, tinangkang patayin ng kapwa security guard dahil sa selos sa Pasay City

By Justinne Punsalang November 20, 2018 - 04:39 AM

Selos ang itinuturong motibo sa tangkang pamamaslang ng isang security guard sa kanyang kabaro sa Barangay 163 sa Malibay, Pasay City.

Nakilala ang biktima na si Ronnie Nuevo na nagtamo ng sugat sa kanyang hita.

Nabatid na pinasok ng suspek na si Juniel Arevalo ang inuupahang apartment ng biktima at gamit ang dalang itak ay pinagtataga nito si Nuevo.

Naawat ng asawa ni Nuevo ang suspek dahilan upang agad itong mahuli ng mga otoridad.

Ayon kay Barangay 163 Kagawad Ronnie Magsino, dati nang dinala sa kanilang himpilan si Arevalo dahil sa pag-aamok at pagbabantang papatayin si Nuevo.

Sa ngayon ay nakapiit na ang suspek habang inihahanda ang kasong isasampa laban sa kanya.

TAGS: Pasay Ci, Pasay City, Security guard, selos, Pasay Ci, Pasay City, Security guard, selos

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.