Lalaking nanghalay at nakabuntis sa pinsan, arestado sa Pasig City

Sa bisa ng isang warrant of arrest ay naaresto ng mga pulis ang suspek sa panghahalay sa kanyang sariling menor de edad na pinsan sa Pasig City.

Kinilala lamang ang suspek sa layas na Ryan na napag-alamang mag-aaral ng Pasig City Institute of Science and Technology.

Ang inihaing arrest warrant laban kay Ryan ay para sa walong counts ng kasong rape.

Batay sa record ng mga otoridad, walong beses na paulit-ulit na ginahasa ni alyas Ryan ang kanyang pinsan na nagresulta sa kanyang pagbubuntis.

Walang inirekomendang piyanse ang korte upang pansamantalang makalaya ang suspek.

Read more...