4 na dalagita nasagip mula sa bugaw sa Iligan City
Nasagip ng mga otoridad mula sa sinasabing bugaw ang apat na mga babaeng menor de edad sa Iligan City.
Ayon kay Chief Inspector Rassel Tuliao ng Women and Children Protection Center (WCPC) ng Philippine National Police (PNP), isang 56 na taong gulang na lalaki ang nagsisilbing bugaw.
Binabayaran umano ang mga kabataan ng P1,500 para makipagtalik sa kanyang mga kliyente na kadalasan ay mga Chinese nationals.
Nabatid na minsan, ipinangreregalo rin ang mga kabataan sa kanyang mga bisita.
Karamihan umano sa mga biktima ay mga mag-aaral na nasa edad 16 pababa.
Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng City Social Welfare and Development ang mga na-rescue na kabataan.
Mahaharap naman sa paglabag sa Republic Act 7610 o pecial Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act at RA 10364 oAnti-Trafficking in Persons Act of 2012 ang suspek.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.