Trust rating sa China, poor ayon sa huling SWS survey
Mula sa ‘bad’ rating noong ikalawang quarter ng taon, bumaba sa ‘poor’ ang rating ng China ayon sa huling survey na isinagawa ng Social Weather Stations (SWS).
Sa survey na ginawa mula September 15 hanggang 23 sa 1,500 adults sa buong bansa, lumabas na -16 ang trust rating ng mga Pinoy sa bansang Tsina.
Bagaman mababa, 19 na puntos naman itong mas mataas sa -35 score noong Hunyo.
Para naman sa Estados Unidos, ‘very good’ ang net trust rating matapos maitala ang +59 score nitong Setyembre na anim na puntos na mas mababa sa +65 score noong Hunyo.
‘Moderate’ naman ang trust rating ng para sa Japan na may +28 score ngayong ikatlong quarter ng taon.
Ang naturang survey ay ginawa sa pamamagitan ng face-to-face interviews mula sa 600 katao sa Balance Luzon, at tig-300 sa Metro Manila, Visayas, at Mindanao.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.