LOOK: #WalangPasok sa November 20 at 21 dahil sa bagyong Samuel
Nagdeklara na ng suspensyon ng klase ang ilang mga lokal na pamahalaan dahil sa epekto ng pananalasa ng tropical depression Samuel.
Lunes ng gabi nang suspendihin ni Bohol Governor Edgar Chatto ang pasok mula preschool hanggang high school sa buong lalawigan matapos itaas ng PAGASA ang tropical cyclone warning signal number 1 sa lugar para sa araw na ito, Martes, November 20 at bukas, Miyerkules, November 21.
Binigay naman ni Chatto sa mga alkalde ang kapangyarihan upang magsuspinde ng pasok para sa kolehiyo depende sa epekto ng bagyong Samuel sa kani-kanilang mga lugar.
Samantala, nauna nang nag-anunsyo ang mga bayan ng Candijay at Jagna, maging ang lungsod ng Tagbilaran ng kanselasyon ng pasok para sa pampubliko at pribado para sa araw na ito.
Para naman sa bayan ng Inabanga, suspendido na ang pasok sa lahat ng antas ngayong araw.
Narito ang listahan ng iba pang mga lugar na walang pasok dahil sa pananalasa ng bagyong Samuel:
ALL LEVELS:
– Claveria, Misamis Oriental
– Himamaylan, Negros Occidental
– Lanuza, Surigao del Sur
– Pulupandan, Negros Occidental
– Negros Oriental (hanggang Miyerkules)
– Surigao City
– Surigao del Norte
– Tacloban City
– Valencia, Bukidnon
PRESCHOOL HANGGANG HIGH SCHOOL:
– Cadiz City, Negros Occidental (hanggang Miyerkules)
– Cebu
– Gingoog City
– San Fernando, Bukidnon
PRESCHOOL HANGGANG ELEMENTARY:
– Iloilo City
– Bago, Negros Occidental
– Bayabas, Surigao del Sur
– E.B. Magalona, Negros Occidental
– Victorias, Negros Occidental
PRESCHOOL:
– Bislig City
– Hinatuan
– Misamis Oriental
I-refresh ang page na ito para sa updates tungkol sa bagyong Samuel at suspensyon ng klase. /Justinne Punsalang
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.